Lady Eagles tinalo ang Lady Maroons

     5 months ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

 

Umangat sa 4-2 ang win-loss record ng Ateneo de Manila University Lady Eagles matapos talunin ang University of the Philippines Lady Maroons sa kanilang katatapos lamang na laban ngayong araw.

Wagi sa tatlong sets ang Lady Eagles sa iskor na 25-20, 25-22, at 28-26.

Dahil sa ikaapat na sunod na panalo ng Ateneo ay kasama na sila ng De La Salle University Lady Archers sa ikalawang pwesto ng torneo. Habang nasa ika-pitong pwesto naman ang Lady Maroons sa win-loss record na 1-4.

Pinangunahan ni Jules Samonte ang Ateneo matapos nitong makapagbigay ng 15 puntos, at sinundan naman siya ni Jhoana Maraguinot na nagbigay naman ng 11 points.

Para naman sa UP, si Diana Carlos ang nanguna matapos nitong magtala ng game-high na 20 points.

Source link

5 SHARE

Post Comments