Lalake arestado sa buy bust operation sa Makati

     2 months ago
16
Leave a Comment
7 SHARE

 

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy bust operation ng Makati Police.

Alas-5:34 ng hapon nang arestuhin ng Station Drug Enforcement Unit Makati sa pangunguna ni Police Inspector Jeson Vigilla ang suspek na si Martin Buena, 32 anyos sa # 153-R 19th Ave., Brgy East Rembo.

Gamit ang P200 buy bust money, nagpanggap ang operatiba ng SDEU na bibili ng shabu sa suspek.

Nang matapos na ang transaksayon, dito na dinampot si Buena at dinala sa himpilan ng pulisya.

Narekober mula sa kanya ang 5 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap sya ngayon sa paglabag sa Article 2 section 5 at 11 ng RA 9165.

Source link

7 SHARE

Post Comments