Lalaki, arestado matapos gahasain ang 7 taong gulang na pamangkin sa Tondo, Manila

     2 months ago
11
2 Comments
8 SHARE

Sa kulungan ang bagsak ng 20 taong gulang na lalaki matapos gahasain ang pitong taong gulang nitong pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa 555 Peralta St, Gagalangin, Tondo.

Ayon kay Senior Inspector Victor De Leon, hepe ng Gagalangin PCP, nadakip ang suspek alas-8:30 ng gabi matapos makatanggap sila ng sumbong na nagtatago ito sa Blumentritt corner Antipolo St .

Nabatid na noong madaling araw ng February 1 ay ginahasa ng suspek ang pamangkin.

Nagsumbong naman ang bata sa kanyang ina na ‘di kinalaunan ay iniulat sa mga pulis ang pangyayari.

Samantala, kahit pa lumabas na ang resulta ng medico legal na may sugat sa private part ng bata, itinatanggi pa rin ng suspek ang kanyang panggagahasa.

Paliwanag nya, umakyat lamang sya sa bahay at pumasok sa kwarto kung saan natutulog ang bata dahil naiwan nya dito ang kanyang belt bag at sumbrero.

Source link

8 SHARE

Post Comments