Lalaki arestado sa buy bust operation sa Valenzuela City

     2 months ago
17
Leave a Comment
6 SHARE

 

Timbog ang isang lalaki matapos magkasa ng isang buy bust operation ang mga elemento ng Valenzuela City Police – Station Drug Enforcement Unit sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Jowell Perola alyas Joey, 42 taong gulang at residente sa nasabing lugar.

Limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad mula kay Perola.

Ayon sa mga otoridad, matapos nilang magsagawa ng inventory ay nilapitan naman sila ng isang babae na inirereklamo naman ng panghihipo ang supek.

Mahaharap si Perola sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ang reklamong panghihipo laban sa suspek.

Source link

6 SHARE

Post Comments