Lalaki patay matapos ihulog mula sa isang bus sa Parañaque City

     6 months ago
40
Leave a Comment
5 SHARE

Agad na namatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos itong sadya umanong ihulog mula sa kanyang sinasakyang bus sa kahabaan ng Roxas Boulevard service road sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa mga rumespundeng otoridad, sinabi ng mga nakasaksi sa pangyayari na nakita nilang itinulak mula sa isang hindi pa batid na pampasaherong bus ang biktima.

Natagpuan mula sa bulsa ng biktima ang isang ticket ng Cavite-Batangas Transport Bus, ngunit hindi pa batid kung ito ba ang sinasakyan ng biktima nang maganap ang insidente.

Ayon pa sa mga otoridad, nang una silang dumating sa pinangyarihan ng insidente ay humihinga pa ang biktima, ngunit binawian rin ito ng buhay.

Mayroong natamong hiwa sa braso ang lalaki, bukod pa sa sugat sa ulo na posibleng dahilan ng pagkabagok nito sa kalsada na maaaring nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naturang insidente.

Source link

5 SHARE

Post Comments