Lalaki, patay sa pamamaril sa Sampaloc, Maynila

     2 months ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Maceda St. Sampaloc Maynila mag-aalas dose ng hatinggabi.

Nakilala ang biktima na si Jon Jon Manawis, 30 taong gulang, at nangangalakal ng basura.

Base sa inisyal na imbestigasyon, riding-in-tandem ang bumaril sa biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Nakatayo lang umano ang biktima sa harapan ng isang kainan nang makarinig ang mga residente ng dalawang putok ng baril.

Doon na nakitang tumatakas ang mga salarin na nakasakay sa motorsiklo na hindi naplakahan.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala.

Samantala, palaisipan naman sa pamilya ng biktima ang motibo sa pamamaril lalo’t wala naman umanong kaaway ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments