Lalaki sugatan matapos mabundol ng motorsiklo sa Tondo

     6 months ago
16
Leave a Comment
6 SHARE

Sugatan ang isang lalaki matapos mabundol ng motorsiklo sa Abad Santos corner Quiricada St. Tondo, Manila kagabi.

Nakahandusay pa sa kalsada at iniinda ang sakit ng biktimang si John Cendric Montevirgil, 17 taong gulang, nang datnan ito ng mga rumespondeng ambulansya.

Kwento ng hindi na nagpakilalang rider, binabaybay nya ang kahabaan ng Abad Santos Ave nang biglang tumawid ang biktima kaya ito nabunggo.

Bali sa binti at sugat sa ibat ibang parte ng katawan at tinamo ng biktima habang nasugatan din sa braso ang driver na nakabangga matapos makaladlad ng kanyang motorsiklo.

Agad na dinala sa pibakamalapit na ospital ang biktima para lapatan ng paunang lunas habang dinala ang driver sa traffic sector para imbestigahan.

Source link

6 SHARE

Post Comments