Lalaking nakabundol sa isang bata arestado sa Antipolo City

     7 months ago
29
Leave a Comment
6 SHARE

Arestado ang isang lalaki na nakabangga sa isang 10 taong gulang na batang lalaki sa kahabaan ng Kaysakat Road sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Oscar Laurente, 24 na taong gulang na residente ng Tanay, Rizal, habang ang namatay biktima naman ay si Axel Diaz na residente naman ng Barangay San Jose sa Antipolo.

Batay sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, sakay ng kanyang bisikleta si Diaz at pababa mula sa isang mataas na bahagi ng kalsada papunta sa Kaysakat Road nang ito ay aksidenteng mabangga at masagasaan ng minamanehong Mitsubishi Rio ni Laurente.

Nagtamo ng serious head trauma at pinsala sa iba pang bahagi ng katawan si Diaz na nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan.

Mahaharap si Laurente sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at kasalukuyang nakapiit sa Antipolo City Police Office.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

6 SHARE

Post Comments