Lalaking nanaksak arestado sa Quezon City

     2 months ago
11
Leave a Comment
5 SHARE

Inoobserbahan pa hanggang ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Project 6, Quezon City.

Arestado naman ang suspek sa krimen na kinilalang si Ronald Octavio, 38 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang krimen dahil nalaman ni Octavio na mayroon palang kalaguyo ang kanyang kinakasama.

Sa galit ng suspek ay sinugod nito ang bahay ng biktima, kung saan inabutan niyang nakahiga at magkayakap ang dalawa

Nagdilim ang paningin ni Octavio dahilan para saksakin ang biktima. Nanlaban naman ang kanyang kinakasama at sinipa ang suspek, ngunit hindi ito nakaligtas sa pananaksak.

Mababaw na galos lamang ang tinamo ng babae, habang saksak naman sa dibdib ang tinamo ng kanyang kalaguyo.

Kasalukuyan nang nakapiit sa detention facility ng Quezon City Police (QCPD) Station 2 ang suspek.

Source link

5 SHARE

Post Comments