Lalaking napatay makaraan ang bigong ambush sa QC kumpirmadong pulis

     7 months ago
90
Leave a Comment
69 SHARE

Isang awol na pulis ang suspek na napatay sa ambush sa isang abugado sa North Avenue sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District Director Guillermo Eleazar ang suspek na nasawi na si PO1 Mark Boquela Ayeras ng Regional Public Safety Battalion ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Si Ayeras ay isa sa tatlong suspek na sakay sa dalawang motorsiklo na tumambang kay Atty. Argel Joseph Cabatbat.

Sinabi pa ni Eleazar na hindi naman nakikipagtulungan sa kanila ang isa pang suspek na nasugatan at ginagamot ngayun sa East Avenue Medical Center na si John Paul Cerilo Napoles.

Lumalabas naman na paghihiganti ng umano’y isang doktor na napatanggal ng biktima sa trabaho ang motibo sa ambush.

Hindi naman idinitalye ni Cabatbat ang kasong kanyang hinawakan.

Matatandaan na pasado alas dose ng hatinggabi nang pagbabarilin ng ilang mga kalalakihan na sakay ng dalawang motosiklo ang Mitsubishi Montero ng abogado malapit sa kanto ng East Avenue at Edsa.

Hindi natamaan ng bala si Cabatbat kaya hinabol niya ang dalawang motorsiklo at nang makakuha ng tiyempo ay binangga niya ang isa sa mga ito kung saan nakasakay sina Ayeras at Napoles.

Source link

69 SHARE

Post Comments