Landbank bubuksan ang kanilang mga branch sa Metro Manila at piling mga lugar sa lalawigan

     2 weeks ago
14
Leave a Comment
10 SHARE

Magbubukas ang lahat ng branch ng Landbank sa Metro Manila at mga piling branch sa mga lalawigan bukas araw ng Sabado.

Ito ay para ma-accommodate ang mga kliyente na naapektuhan ng problema sa ATM at electronic channels ng Landbank.

Sa abiso ng Landbank bukas ang kanilang mga branch bukas, July 21, mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon.

Sinabi ng Landbank na ang kanilang mga kliyente ay maaring mag-transact over the counter sa mga branch na bubuksan.

Para sa Metro Manila, bukas ang lahat ng branch ng Landbank bukas, habang para sa mga lalawigan, maaring i-click ang link na ito (https://bit.ly/2NwrGd0)  para makita ang mga branch na magbubukas.

Mula Huwebes ng gabi nagkaroon ng problema ang lahat ng electronic channels ng Landbank at mga ATM sa buong bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

10 SHARE

Post Comments