Lapeña sa corrupt BoC officials: Ayaw ko nang ‘pasalubong’ at ‘tara’

     1 year ago
37
Leave a Comment
0 SHARE

Mariing binalaan ni bagong Bureau of Customs (BoC) chief Isidro Lapeña ang mga korupt na opisyal na umano’y magbabalak na mangolekta ng pera sa kanyang tanggapan.

Ginawa ni Lapeña ang banta kaugnay sa pormal na pag-upo niya sa puwesto kapalit ni  dating Customs chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Lapeña, dapat mamili umano ang mga tiwaling opisyal kung makikiisa ang mga ito sa kanyang programa o patatalsikin niya sa bureau.

Ito ay bunsod na rin daw ng utos sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang matagal ng mga problema sa loob ng customs.

Dagdag pa ng dating PDEA chief, klaro umano na dapat sa lahat ng empleyado ng customs na prayoridad niya ang pagpuksa sa isyu ng “pasalubong” at “tara.”

Ani Lapeña, gaya ng kanyang ginawa noon sa PDEA, ipapatupad din niya ang “one strike policy” sa mga pasaway na opisyal para “ma-boost” umano ang “internal cleansing.”

Tiniyak  naman ni Faeldon na tutulungan niya sa Lapeña sa pagpapatupad ng mga reporma.

Tiwala rin daw si Faeldon na magagampan ni Lapeña ang mandato nito na malinis ang ahensiya kasabay nang hamon sa mga importers na pangalanan ang mga tiwaling BoC employees.

Samantala bilang bahagi sa malaking pagbabago na ipatutupad daw sa BoC, magtatayo rin ang bagong liderato ng “24/7 feedback mechanism” na siyang magsisilbing sumbungan sa mga iligal na gawain ng mga opisyal.

Source link

Post Comments