Larawan ni dating CJ Sereno sa website ng Supreme Court, tinanggal na

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Tinanggal na ng Korte Suprema si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa listahan ng mga incumbent justices sa kanilang website.

Naganap ang pagtanggal sa gitna ng nakabinbin pang motion for reconsideration ni Sereno kung saan hiniling nito na baligtarin ang desisyon sa quo warranto case na inihain ng Solicitor General na nagresulta sa kanyang pagkatanggal sa pwesto.

Matatandaan na noong May 11, 2018 ay pinaboran ng Supreme Court ang petisyon na inihain ni SolGen Jose Calida na nagdeklara kay Sereno na hindi ito kwalipikado bilang punong mahistrado.

Sa parehong petsa ay iniutos ng korte ang pagpapatalsik kay Sereno at inatasan ang Judicial and Bar Council (JBC) na simulan na ang nominasyon at screening para sa susunod na chief justice.

Noong June 6, 2018 ay makikita pa ang larawan ni Sereno sa SC website kung saan naroon ang mga kasalukuyang mahistrado.

Pero kinabukasan o June 7, 2018, tinanggal na ang litrato nito at nakalagay na vacant ang pwesto nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments