‘Last 4’ ng World Cup, kumpleto na; Russian team, ‘bayani’ sa mga kababayan kahit bigo sa q’finals

     2 months ago
29
Leave a Comment
4 SHARE

Tuluyan nang nabuo ang huling apat na mga koponang magtatagisan para makuha ang kampeonato sa prestihiyosong World Cup sa Russia.

Kinumpleto na kasi ng Croatia ang listahan nang dominahin nito ang host nation Russia sa iskor na 4-3 sa penalty shootout sa huling quarterfinal match ng torneyo.

Bumaha ng emosyon sa Fisht Stadium nang hindi nakapasok ng semifinals ang Russia na ang kanilang best finish ay bilang fourth place noon pang 1966.

Bagama’t hindi nakausad ay umani pa rin ng papuri mula sa kanilang mga kababayan ang Russian football team.

Kabilang sa mga bumati sa koponan si Russian President Vladimir Putin kung saan tinawag umano nitong mga bayani ang kanilang mga football players.

Nauna rito, dinomina ng ranked No. 12 England ang No. 24 namang Sweden upang madala ang kanilang koponan sa kauna-unahan nilang semifinals simula noong 1990.

Hindi rin nakaporma ang five-time champions Brazil sa lakas ng Belgium, dahilan para malaglag na ang favorite team na inaasahang kokoronahang kampeon ng torneyo ngayong taon.

Maging ang France ay nakasungkit rin ng puwesto sa semis nang nadaig nila ang national football team ng Uruguay.

Unang magtutuos ang France at Belgium sa Hulyo 11 ng alas-2:00 ng madaling araw, habang sa Hulyo 12 naman ng nasabing oras ang bakbakan ng Croatia at England.

Source link

Post Comments