Launching ng ‘world’s most powerful rocket,’ matagumpay; sports car isinama sa space

     2 months ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

Matagumpay ang ginawang pagpapalipad ng private company na SpaceX sa rocket na Falcon Heavy na isinagawa kaninang umaga sa Kennedy Space Center o dakong hapon naman sa Florida.

Itinuturing na ang mammoth vehicle ang siyang pinakamalakas na uri ng rocket mula noong shuttle system.

A Tesla Roadster, carrying a dummy passenger named “Starman,” orbits the Earth after launching into space on the Falcon Heavy. Photo credit to SpaceX

Sinabi ni SpaceX CEO at billionaire Elon Musk, 46, ang Falcon Heavy ay may kakayahan na magdala ng mabigat na payload ng hanggang 64 tonelada.

Sa nasabing experimental mission ay napagdesisyunan ni Musk na ilagay ang kaniyang cherry-red Tesla sports car kungsaan inilagay ang isang maniquin sa driver’s seat habang pinapatugtog ang kanta ni David Bowie na “Space Oddity.”

Wala namang sakay na anumang tao ang Falcon Heavy sa dahilang panimula lamang daw ito sa mga proyekto sa hinaharap para maghatid ng tao patungong planetang Mars.

Naging kamangha-mangha rin sa mga nag-abang ang nagawa ng SpaceX na mai-guide pabalik sa pinanggalingan sa mundo ang dalawa sa first-stage rocket boosters ng Falcon sa launch pad.

Liban sa libu-libong umantabay sa Florida maririnig din ang malakas na sigawan at pagbubunyi ng mga tao sa livestream ng kompaniya.

Sinasabing umabot sa tatlong milyong katao ang nanood sa naturang live stream.

Source link

Post Comments