Libu-libong katoliko dumagsa sa Luneta para sa “Walk for Life”

     5 months ago
53
Leave a Comment
104 SHARE

Radyo Inquirer

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop at CBCP Commission on the Laity Chairman Broderick Pabillo ang pagdarasal sa Quirino Grandstand.

Kaugnay ito ng idinaos na prayer rally na tinawag na “Walk for Life” sa pangunguna ng Sangguninang Laiko ng Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang lay groups sa bansa.

Layon ng okasyon na maiparating sa publiko ang pagtutol sa kampanya kontra droga ng administrasyon, aborsyon, pagbuhay sa parusang kamatayan, pagsira sa kapaligiran at ibat-ibang isyu na kinakaharap ngayon ng lipunan.

googletag.cmd.push(function() { googletag.display(‘div-gpt-ad-101403638493506944-4’); });

Ang prusisyon ay nagsimula kaninang alas-4:00 ng umaga patungo sa Quirino Grandstand sa Maynila kung saan idinaos ang isang misa.

Nagkaroon din ng kaparehong aktibidad sa Tarlac, San Pablo, Cebu at Cagayan De Oro.

The post Libu-libong katoliko dumagsa sa Luneta para sa “Walk for Life” appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM.

Source link

104 SHARE

Post Comments