Lima arestado dahil sa droga sa Taguig

     2 months ago
7
Leave a Comment
0 SHARE

 

Anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱40,000 ang narekober ng mga otoridad matapos silang magkasa ng buy bust operation sa Barangay Central Signal, Taguig City.

Limang drug suspects ang naaresto na kinilalang sina Joseph Aurio, Manuel Frianeza, Carl Raniel Frianeza, Ralph Frianeza, at Bert Lagum.

Ayon sa Southern Police District – District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU), si Manuel ang kanilang pangunahing target ngunit inaresto ang iba pang mga kasama nito nang maabutang nasa lugar.

Bukod sa mga iligal na droga ay narekober din ng mga otoridad ang mga drug paraphernalia at buy bust money.

Lahat ng mga ito ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source link

0 SHARE

Post Comments