Limang katao arestado sa drug buy-bust sa San Mateo, Rizal

     2 months ago
30
Leave a Comment
7 SHARE

Arestado ang limang katao sa ikinasang operasyon ng pulisya sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng Calabarzon Police, ang mga nadakip na suspek ay sina n Kerwin Tumuran, Jeffrey Oblea, Jonathan Matamis, Wilbert Nazareno, at Lester Punez.

Isinagawa ng mga otoridad ang buy-bust operation sa isang bahay sa Tierra Monte Subdivision sa Barangay Silangan alas 3:30 ng madaling araw.

Nang mag-positibo ang operasyon, dinakip ang lima na hindi naman na nagawang pumalag pa.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu, dried marijuana, at P500 marked money.

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments