Lola nilapa ng buwaya sa Sumatra, Indonesia

     2 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Patay ang isang 66-anyos na babae matapos atakihin ng buwaya sa isla ng Sumatra sa bansang Indonesia.

Ayon sa pulisya, sinubukang hanapin ng kaniyang pamilya at mga kapit-bahay ang hindi pinangalanang biktima.

Suspetsya anila ng mga residente, inatake ang biktima ng buwaya matapos makita ang kaniyang mga gamit sa isang bangka sa isang riverside garden malapit sa remote village ng Teluk Kuali sa probinsya ng Jambi.

Ayon kay Jambi Police Spokesman Kuswahyudi Tresnadi, natagpuan ng mga residente na palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa gilid ng ilog.

Aniya, kinain ng buwaya ang dalawang kamay at ibabang parte ng katawan ng biktima.

Samantala, matatandaang isang Russian tourist ang namatay matapos atakihin ng buwaya sa Raja Ampat islands noong April 2016.

Source link

0 SHARE

Post Comments