LOOK: Ilang flights sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

Kinansela ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Linggo.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang dalawang Air Swift flight na T6 837/838 biyaheng Manila-Basco-Manila at dalawang Skyjet flight na M8 816/817 na may kaparehong ruta.

Ang kanselasyon ng mga biyahe ay bunsod ng umiiral na sama ng panahon.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng kanilang flight.

Source link

3 SHARE

Post Comments