LOOK: Ilang flights sa NAIA, kanselado

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Kinansela ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, June 13.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang dalawang PAL Express flights na 2P 2196 biyaheng Manila – Laoag at 2P 2917 biyaheng Laoag – Manila.

Ito ay bunsod ng patuloy na nararanasang sama ng panahon.

Inabisuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa kanilang refund at rebooking ng ticket.

Source link

0 SHARE

Post Comments