LOOK: Ilang lansangan sa QC at Caloocan, apektado ng road reblocking

     2 months ago
8
Leave a Comment
3 SHARE

Apektado ng road reblocking at repair ngayong weekend ang pitong major roads sa Quezon City at Caloocan.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), anim na kalsada sa QC at isa sa Caloocan ang sasailalim sa repair.

Magsisimula ang reblocking at repair, alas 11:00 nga gabi ng Biyernes, February 9.

Sa Quezon City, apektado ang sumusunod na kalsada:

  • Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture (DA) inner lane
  • EDSA sa pagitan ng Landers Street at Howmart, fifth lane
  • Congressional Avenue Extension bago mag-Visayas Avenue, first lane
  • Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan Street, third lane
  • Quirino Highway mula T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road, inner lane
  • southbound direction ng A. Bonifaco Avenue, crossing Sgt. Rivera, inner lane

Samantala sa Caloocan City apektado ang northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle.

Ayon sa DPWH, alas 5:00 ng umaga ng February 12 ay bubuksan na sa mga motorista ang nasabing mga kalsada.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments