LOOK: Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa normal pa ngayong bisperas ng Valentine’s Day

     6 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

Normal pa ang presyuhan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila ngayong bisperas ng Valentine’s Day.

Sa Dangwa, iba’t ibang uri ng bulaklak ang ibinebenta.

Kung nais ng bibili na nakaayos na ang bulaklak ay mayroon ding mabibili na mayroon nang mga disenyo.

Narito ang presyo ng ilang mga bulaklak sa Dangwa:

  • China Rose P1,200
  • Casablanca 1,600 (white, green, pink)
  • Malaysian Mums P100 (isang bundle na mahaba)
  • Malaysian Mums P160 (isang bundle na maikli)
  • Red Success Rose P900 (bundle of 24)
  • White Rose P200/bundle
  • Pomelo P600/bundle
  • Yellow Balls P100/bundle
  • Pink Tube P100/bundle
  • Rose Pink Success P800/bundle
  • Red Gala Rose P800/bundle
  • Anthurium White P350/dozen

Kung ayaw namang magbigay ng bulaklak at nais maiba ang pangregalo para sa Valentine’s, maging ang mga tsokolate at stuffed toys ay ginagawan na rin ng arrangement sa Dangwa.

Narito naman ang persyo ng mga tsokolate at stuffed toys na nakaayos na:

  • Round bouquet w/ 12pcs Ferrero P700-P800
  • Arm bouquet of Ferrero P3,200
  • 12pcs Ferrero with 3pcs toys bouquet P1,200
  • Ferrero P45/pc
  • 48pcs/box of Ferrero P1,500
  • 30pcs/box of Ferrero P700

Sa ngayon hindi pa karamihan ang bumibili ng bulaklak sa Dangwa.

Maari ding mamayang gabi hanggang bukas ng umaga ay tumaas pa ang presyo ng mga bulaklak.

 

 

 

 

 

Source link

6 SHARE

Post Comments