LOOK: Rerouting sa bahagi ng EDSA-Shaw SB dahil sa leak repair ng Manila Water

     2 months ago
13
Leave a Comment
3 SHARE

Simula bukas, July 14, araw ng Sabado isasara ang kanang bahagi ng EDSA southbound sa harap ng Starmall dahil sa gagawing leak repair ng Manila Water.

Sa abiso ng Manila Water tatagal ang leak repair hanggang sa August 20, 2018 at ang closure ng nasabing kalsada ay 24-oras mula Lunes hanggang Linggo.

Ang leak repair ay gagawin malapit sa kanto ng EDSA at Shaw.

Dahil isasara ang outermostlane ang mga sasakyan na galing EDSA at pakanan ng Shaw ay dadaan sa loob ng compound ng Starmall.

Mananatili namang bukas ang dalawang linya ng service road sa nasabing lugar.

Pansamantala ding isasara ang bus stop na nasa harap ng Starmall at sa halip ay maglalagay ng temporary bus stop bago dumating sa nasabing mall at paglagpas naman ng Shaw Blvd. sa EDSA southbound.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

3 SHARE

Post Comments