LP, pinabulaanang kasapi sa kanilang partido ang higit 3,000 pulitikong lumipat sa PDP-Laban sa Agusan del Sur

     6 months ago
25
Leave a Comment
9 SHARE

Pinabulaanan ng Liberal Party (LP) na kasapi ng kanilang partido ang 3,300 pulitiko sa Agusan del Sur na tumawid ng bakod patungo sa administration party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ayon sa pahayag ng LP, pawang mga miyembro ng National Unity Party na dating coalition party ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang mahigit 3,000 provincial officials na lumipat sa PDP-Laban.

Kasabay nito, sinabi ng LP na patuloy ang kanilang rebuilding ngayon para maging genuine people’s party.

Hinimok ng LP ang mga nagnanais na maging bahagi ng kanilang partido na lumagda sa kanilang online application na partidoliberal.ph.

Source link

9 SHARE

Post Comments