LPA at Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Dalawang low pressure area (LPA) na may posibilidad na maging mga bagong bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa 4am weather forecast ng ahensya, nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang unang LPA at huling namataan sa layong 460 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Bagaman mababaw at mas malapit na sa kalupaan ay hindi ibinaba ang posibilidad na maging bagyo ito.

Ang ikalawang LPA naman ay huling namataan sa layong 1,705 kilometro Silangan ng Northern Luzon.

Dahil malayo pa at nasa karagatan ay malaki ang tyansa na maging bagong bagyo ito dahil inaasahang hihigop pa ito ng lakas sa katubigan.

Ngayong araw, inaasahang uulanin ang Palawan, Mindoro, Batangas, Cavite, Zambales, Bataan at Western Visayas dahil pa rin sa Habagat.

Sa Metro Manila, Quezon, Laguna, Rizal, Bicol Region, Bulacan at Pampanga ay makararanas ng mga pag-ulan bunsod ng pinagsamang epekto ng LPA at Habagat.

Uulanin ang Eastern Visayas dahil sa epekto ng LPA.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, ‘generally fair weather’ ang mararanasan liban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments