LPA sa silangan ng Mindanao, papasok sa bansa ngayong weekend

     6 months ago
28
Leave a Comment
27 SHARE

Sa weekend na inaasahang papasok sa bansa ang isang Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurello, may tsansang lumakas pa ang LPA habang papalapit ng bansa dahil kasalukuyan itong nasa karagatan.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at papangalanang ‘Basyang’.

Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa ay huling namataan sa 410 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Malaki naman ang tsansa na malusaw ang nasabing LPA.

 

 

 

 

 

Source link

27 SHARE

Post Comments