Lucas Matthysse tanggap ang kanyang pagkatalo

     2 weeks ago
137
Leave a Comment
40 SHARE

Tanggap ni Argentinian boxer Lucas Matthysse ang kanyang pagkatalo kay Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ayon kay Matthysse, may mga pagkakataon na nanalo at may mga pagkakataon na natatalo.

Sa pagkakataong ito, ayon kay Matthysse, talo siya kay Pacquiao.

Ayon pa kay Matthysse, isang great boxer at isang great legend si Pacman.

Ayon kay Matthysse, maaaring talo siya sa laban na ito pero maglalakad siya nang taas-noo pa rin.

Humingi rin ng paumanhin si Matthysse kung nabigo niya ang kanyang mga kababayan sa Argentina.

Pero sa kabila nito, pinasalamatan pa rin ni Matthysse ang kanyang mga kababayan sa pagmamahal at suporta sa kanya.

Tiniyak pa ni Matthysse na bagaman talo, nasa maayos na kalagayan naman ang kanyang kalusugan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

40 SHARE

Post Comments