Luis Manzano, pinabubura sa Twitter ang fake account ni Ate Vi

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

 

Hiniling ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa Twitter na burahin ang account na nagpapanggap na nanay niyang si Batangas 6th district Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Sa kanyang post, sinabi ni Luis na “Dear @Twitter, you might want to delete @vilmaSRecto for using my mom’s identity.

Nag-ugat ang reaksyon ni Luis matapos magtweet ang naturang fake account sa Twitter account ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. 

Ang tweet ng @vilmaSRecto, “@MMDA pwede po ba pakiescortan kami dito ni @luckymanzano sa may Guadalupe.”

Nagreply pa ang MMDA sa tweet na iyon ng fake account ni Ate Vi.

Agad na nakakuha nito ang atensyon ni Luis, habang pinayuhan naman siya ng netizens na i-report ang nasabing fake account.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit limang libong followers ang nabanggit na account, at ginamit pa ang litrato ng Star for All Seasons.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments