Maayos na NFA rice supply manunumbalik; anihan malapit na – NFA

     6 months ago
18
Leave a Comment
6 SHARE

Pinawi ngayon ng National Food Authority (NFA) ang pangamba ng publiko lalo na sa mga tumatangkilik ng NFA rice na mauubusan na ng supply ng mas murang bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte, sinabi nito na sa susunod na buwan ay posibleng babalik na rin sa normal ang supply ng NFA rice dahil malapit na rin ang anihan at patuloy na rin ang kanilang pagbili sa mga palay mula sa mga magsasaka.

Dahil dito, nanawagan na rin si Olarte sa mga magsasaka na suportahan ang NFA kahit mas mababa ang presyo nila kumpara sa mga pribadong bumibili ng palay.

Maliban dito, hinihintay na rin umano ng NFA ang go signal para sa importasyon ng bigas mula sa ibang bansa para manumbalik ang buffer stock ng ahensiya.

Sa oras umanong maaprubahan ang kanilang planong pagbili ng bigas ay agad silang mag-aangkat mula sa mga bansang Vietnam, Thailand at Cambodia.

Nagpaliwanag din si Olarte na kaya may limitadong supply ng NFA rice sa ibang lugar dahil inuuna nilang suplayan ang mga lugar na malalayo at mga lugar na nakaranas ng kalamidad.

Source link

Post Comments