Mabilog, tinutugis pa rin kaya ‘di umuwi ng Phl; pangalan nasa US intel na – Duterte

     2 months ago
18
Leave a Comment
12 SHARE

ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hanggang ngayon ay tinutugis pa rin nito si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Kasabay ng pagdalaw sa Iloilo, sinabi ng Pangulo na sa simula pa lang ng kampanya laban sa iligal na droga ay lumalabas na ang pangalan ni Mabilog.

Nasa listahan din aniya ng Philippine Navy, Army at PNP ang pangalan ng dating alkalde na sangkot umano sa illegal drugs.

Kaya umano hindi na umuwi ng bansa si Mabilog na tinawag pa ni Pangulong Duterte na “buang” o baliw.

Ngunit ikinadismaya ng pangulo na hindi raw naniniwala rito ang intelligence agencies sa Amerika.

Ayon kay Duterte, kaniya nang ibinigay ang pangalan ni Mabilog sa mga otoridad sa Amerika.

Nabatid na hindi na umuwi sa Pilipinas si Mabilog simula nang iniutos noon ni Duterte na italaga bang pinuno ng Iloilo City Police Office si C/Insp. Jovie Espenido.

Napatalsik naman sa puwesto si Mabilog matapos dalawang beses na na-dismiss ng Ombudsman.

Source link

Post Comments