Mag-aaral nahulihan ng marijuana sa Davao City

     2 months ago
22
Leave a Comment
10 SHARE

Arestado ang isang mag-aaral matapos nitong magtangkang magpuslit ng marijuana sa Davao City, Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Harrier Virtudazo, 22 taong gulang at isang third year college student.

Ayon kay Task Force Davao Commander Colonel Nolasco Memfin, tiningnan nila ang bag ng suspek sa isang checkpoint at doon nila napansin na tila mayroong kahina-hinalang packete sa bag na mukhang mga dahon ng marijuana. Kaya naman nagsagawa sila ng full inspection kung saan narekober ang 10 bulto, 4 na pekete, at 4 na stick ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Hindi naman na itinanggi pa ni Virtudazo ang magpupuslit ng droga. Aniya, dahil lamang sa pangangailangan ng pera bilang panustos sa kanyang pag-aaral kaya siya nagpupuslit ng marijuana.

Inamin rin nito na ikalawang beses na niyang ginawa ang pagdadala ng marijuana sa lungsod.

Source link

10 SHARE

Post Comments