Mag-ama, patay sa sunog sa Makati City

     6 months ago
37
Leave a Comment
6 SHARE

Patay ang mag-ama sa sunog na sumiklab sa isang lumang paupahan sa 9117 lapanda st, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nakilala ang mga biktima na sina Arnel Lambino, nasa edad 50 ayon sa mga residente at anak nitong si Aries Lambino, 23 taong gulang.

Ayon kay Supt. Roy Quisto, City Fire Marshall, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng pinapaupahang bahay ni Reggie Basco.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy na itinaas sa ikatlong alarma alas-12:23 ng madaling araw.

Paliwanag ni Quisto, posibleng dahil sa grills na nakapalibot sa bahay kaya naging pahirapan ang paglabas ng mag-ama kaya natupok sila ng apoy.

Kwento naman ni Marlon Abando, residente sa lugar at nakatira sa tapat apartment, walang kuryente ang bahay na nasunog at nagsisindi lang sila ng kandila sa gabi.

Maliban sa apartment ni Basco, nadamay din sa sunog ang apat pang bahay na katabi nito.

Ala-1:36 ng madaling araw nagdeklara ng fire out ang BFP.

Aabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng mga nasunog na patuloy pang inaalam kung ano ang pinagmulan.

Source link

6 SHARE

Post Comments