Mag-asawa, patay sa pananambang sa Antipolo

     2 months ago
48
Leave a Comment
9 SHARE

Patay ang mag-asawa matapos silang tambangan sa loob mismo ng kanilang sasakyan malapit sa isang mall sa Antipolo, Rizal.

Naganap ang pananambang sa Barangay San Roque, bandang alas-5:30 ng hapon ng Miyerkules.

Sa post ng tauhan ng barangay na si Lambert Oliveros sa Facebook, makikitang naka-taob na ang sasakyan ng mag-asawa.

Ayon kay Oliveros, nakahinto ang sasakyan sa may traffic light, ngunit nang aandar na sana sila, biglang lumapit ang suspek at sila ay pinagbabaril.

Dahil dito, nawalan na ng kontrol ang driver, dahilan para mabangga pa ito sa SUV at tricycle na nasa harapan nito kaya tumaob ang sasakyan.

Mapalad namang nakaligtas ang mga sakay ng SUV at tricycle, ngunit nasawi naman ang mag-asawang tinambangan.

Nagdulot pa ng trapiko ang insidente dahil natagalan ang pagkaka-balagbag nito sa gitna ng kalsada bago tuluyang naialis.

Ayon sa mga nakasaksi, kaswal lang na naglakad papalapit sa sasakyan ang suspek, at naglakad rin lang papalayo matapos gawin ang krimen na para bang walang nangyari.

Source link

9 SHARE

Post Comments