Magkakasunod na aksidente maagang naitala ng MMDA sa EDSA

     7 months ago
20
Leave a Comment
4 SHARE

Maagang naabala ang daloy ng traffic sa kahabaan ng EDSA makaraang makapagtala ng sunud-sunod na aksidente.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 5:07 ng umaga, isang taxi ang nasangkot sa self-accident sa EDSA Ayala tunnel southbound.

Dahil marami nang mga motorista ang bumabagtas sa southbound lane ng EDSA sa nasabing mga oras nagdulot na ito ng perwisyo lalo na sa mga dumadaan sa tunnel.

Nasundan ito ng isa pang aksidente alas 5:10 ng umaga kung saan isang AUV at isang Van ang nagkabanggaan sa EDSA Estrella sa Southbound.

Alas 5:16 naman ng umaga nang may maaksidente motorsiklo sa bahagi ng EDSA Timog Northbound.

Ayon sa MMDA agad namang narespondehan ng kanilang mga tauhan ang magkakasunod na aksidente pero bahagya na itong nakaapekto sa daloy ng traffic.

 

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments