Magnanakaw nasawi sa operasyon ng mga pulis sa Laguna

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Napatay ang isang magnanakaw matapos looban ang isang warehouse sa Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek.

Ayon kay San Pedro City Police chief, Superintendent Giovannie Martinez, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa tatlo umanong magnanakaw na pumasok sa isang warehouse sa lugar.

Doon umano nakatago ang iba’t ibang mga produkto na inanggkat mula sa ibang bansa.

Pagdating sa lugar upang iberipika ang impormasyon ay nabatid ng mga otoridad na nakatakas na ang dalawang magnanakaw, ngunit ang isa ay tinangka pang lumaban sa mga pulis gamit ang isang kutsilyo.

Dahilan umano ito upang depensahan ng pulis ang kanyang sarili at paputukan ang magnanakaw.

Dinala pa sa Amante Hospital ang suspek upang lapatan ng lunas ngunit makalipas ang ilang oras ay nasawi rin ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments