Magpinsan, arestado sa drug buy-bust operation sa Cubao

     6 months ago
35
Leave a Comment
7 SHARE

Sa kulungan ang bagsak ng magpinsan na lalaki sa matapos mahuli sa ikinasang drug buy bust operation ng QCPD Station 7 sa 15th Avenue Brgy. Socorro, Quezon City.

Kuha ni Mark MakalaladKinilala ang mga suspek na sina Ryan Asepcion, 26 anyos at Florante Asepcion, 18 anyos.

Ayon kay QCPD Station 7 Commander Police Supt. Louise Benjie Tremor, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ang magpinsan pero muli itong bumalik sa kanilang bisyo at pagbebenta ng shabu.

Nabatid na kustomer ng mga suspek ang ilang mga GRO at tricycle driver sa Cubao.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000, P500 buy bust money, P300 na drug money at isang motorsiklo na hindi rehistrado.

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments