Mahigpit sa seguridad sa CARRA Meet 2018, ipapatupad sa Abra

     7 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

Magpapakalat ng 900 pulis at sundalo ang pamahalaang lokal ng Bangued, Abra para sa pagdaraos ng Cordillera Administrative Region Athletic Assocation (CARRA) Meet 2018 ngayong Linggo.

Ayon sa Bangued police, ipapatupad ang mahigpit na seguridad sa buong pasilidad ng Abra Sports Complex.

Ito ay matapos ang nangyaring pagsabog sa piyesta ng La Paz, Abra na ikinasawi ng dalawang pulis at ikinasugat naman ng 54 iba pa.

Inaasahang aabot sa 4,000 atleta ang lalahok sa naturang sports competition.

Matatandaang huling idaos ang CARRA Meet 17 taon na ang nakalilipas.

Source link

3 SHARE

Post Comments