Malacañan natuwa sa kasong isinampa ng DOJ kay Peter Go Lim

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañan ang naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng two counts ng conspiracy to commit illegal drug trading sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ang sikat na Cebu businessman na si Peter Go Lim.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay ito na seryoso ang pamahalaan na labanan ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi pa ni Roque na ipinapakita lamang ng pamahalaan na walang pinipili ang batas at kinakaksuhan ang maliit o malalaking personalidad sa lipunan.

Iginiit pa ni Roque na naipamalas din ng DOJ na walang sinisino ang kanilang hanay.

Ayon kay Roque, ang giyera sa iligal na droga ay giyera ng mga drug smugglers at trafficker na tiyak na ikatatalo lamang.

Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ni Lim matapos magdesisyon noon si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na iabswelto ang hinihinalang drug lord na negosyante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments