Malacañang: Hindi minamadali ang Charter Change

     6 months ago
18
Leave a Comment
7 SHARE

Tiniyak ng Malacañang na hindi mamadaliin ng gobyerno ang charter change o pagbabago ng Saligang Batas para makamit ang minimithing pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas gusto ng pangulo na hintayin muna ng Kongreso na tapusin ang trabaho ng binuong Consitutional Commission na naatasang mag-review sa 1987 Constitution.

Dagdag pa ni Roque, noong nakaraang linggo lamang nagsimula ang komite na magtrabaho.

Tiniyak pa ni Roque na bibigyan din ng sapat na oras ng ang taong bayan na makalahok sa debate kung anong mga probisyon sa Saligang Batas ang kinakailangan na amyendahan.

“The President just only announced and administered the oath to the members of the Constitutional Commission. That means, he would prefer that Congress await the outcome of the work product of the Constitutional Commission before it is even tackled in Congress”, ayon kay Roque.

Dagdag pa ng kalihim, “So again, on a second basis, I would say that Senator Drilon is off tangent because there will be a lot more discussions ahead of us for charter change. Meaning, it is not the President’s purpose to railroad it knowing how important it is, revising that no less than the fundamental law of the land, and the people will be given ample time and opportunity to debate and ponder on the proposed revisions, whatever they may be”.

Source link

7 SHARE

Post Comments