Malay mayor kay Duterte: Bilyones na pera mawawala kung ipasara ang Boracay

     6 months ago
32
1 Comment
20 SHARE

KALIBO, Aklan – Handang harapin ni Malay Mayor Ciceron Cawaling ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan ng serious neglect of duty ang mga opisyal ng LGU-Malay dahil umano sa kapabayaan na nagresulta upang lumalala ang isyu sa basura partikular na ang sewerage system sa isla ng Boracay.

Ipinasiguro ng alkalde na sa ngayon ay gumagawa na sila ng paraan kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno upang mabigyang solusyon ang problema.

Layun din nito na mabigyan ng katuparan ang anim na buwan na ultimatum ng presidente na masolusyonan ang environmental issues.

Umapela naman ang alkalde na magtulungan sa halip na magsisihan.

Samantala, aminado si Cawaling na bilyones pesos ang mawawala hindi lamang sa Aklan kundi sa buong Western Visayas sakaling totohanin ng Pangulo ang bantang ipapasara ang isla ng Boracay.

Source link

Post Comments