Manny Pacquiao balik-ensayo na para sa June 24 boxing match

     6 months ago
32
Leave a Comment
16 SHARE

Aminado si People’s Champ Sen. Manny Pacquiao na pinaghahandaan niya ng husto ang nalalapit na laban kay WBA Welterweight Champion Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kaugnay nito ay sinimulan na niya ngayong araw ang conditioning workouts sa pamamagitan ng jogging sa loob ng Forbes Park.

Sa buwan ng Abril ay sisimulan na niya ang ensayo sa gym para sa pagsasa-ayos ng kanyang timbang ay muscles conditioning.

Nilinaw rin ng mambabatas na plantsado na ang nasabing laban kontra sa nasabing Argentinian boxer.

Ang kanilang paghaharap ay magaganap sa June 24 sa Malaysia.

Kahapon ay lumabas rin ang mga ulat nab aka hindi na si Freddie Roach ang kanyang maging coach sa susunod na laban pero hindi naman ito kinumpirma ni Pacquiao.

Source link

16 SHARE

Post Comments