Manny Pacquiao, wagi sa WBA welterweight title

     2 weeks ago
182
Leave a Comment
74 SHARE

Nagdiriwang ang buong sambayanang Pilipino dahil sa pagkapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse sa kanilang WBA welterweight title boxing match sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Round 1 pa lang ay nagpakitang gilas na ang 39-year-old boxing champ.

Sa round 3, na-knock down ni Pacman si Matthysse makaraang patikimin ng upper cut ng Filipino boxer ang boksingero ng Argentina.

Sa round 5, left upper cut naman ang bumasag kay Matthysse.

Sa mga sumunod na rounds, si Pacquiao pa rin ang kumikilos habang puro mga jab ang ginagawa ng kalaban na kapansin-pansing nanghina na.

Dalawany beses na bumagsak si Matthysse at napaluhod samantalang si Pacquiao ay malakas na malakas pa.

At sa round 7, tuluyan nang na-knockout ni Pacman si Matthysse.

Sa scorecard, panalo si Pacquaiao sa lahat ng rounds.

Ito ang unang knockout victory ni Pacquiao mula noong 2009.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

74 SHARE

Post Comments