Manugang ni Rafael Baylosis na miyembro ng CPP-NPA, arestado sa Rizal

     7 months ago
28
Leave a Comment
10 SHARE

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang manugang ni National Democratic Front of the Philippine (NDFP) consultant Rafael Baylosis.

Nadakip ang suspek na si Marlen Maojo Maga sa San Mateo, Rizal sa bisa ng warrant of arrest para sa kinakaharap niyang kasong murder.

Ayon sa mga otoridad, si Maga ay miyembro ng national organizing division ng CPP-NPA.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Maga ang isang cal. 45 na baril at isang magazine na may pitong bala.

Bagaman inamin ng suspek na siya ay manugang ni Baylosis, itinanggi naman nitong miyembro siya ng CPP-NPA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

10 SHARE

Post Comments