‘Mas engrandeng pagtatanghal asahan pa sa Bombo Music Festival’

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

ILOILO CITY – Asahan ang mas engrandeng Bombo Music Festival sa mga susunod na taon.

Ito ang tiniyak ng chairman ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio Florete, kasunod ng matagumpay na Grand Performance Night ng Bombo Music Festival na ginanap sa Rose Memorial Hall ng Central Philippine University (CPU).

Ayon kay Dr. Florete, nagpasya ang network na gawin nang isa sa mga civic project ng Bombo Radyo ang Bombo Music Festival kagaya ng iba pang proyekto ng Network na Bombo Medico at Dugong Bombo.

Sinabi naman ng President at Chief Executive Officer na si Ms. Margaret Ruth C. Florete na layunin ng Bombo Music Festival na mabigyan ng pagkakataon ang mga aspiring Filipino songwriters na maipakita ang kanilang talento.

Ginagampanan din aniya ng network ang corporate social and cultural responsibility nito upang isulong ang musika at kultura ng mga Pilipino.

Source link

0 SHARE

Post Comments