‘Mas masahol pa sa hayop ang pagpatay sa aming kapatid’

     6 months ago
39
Leave a Comment
17 SHARE

ILOILO CITY – Magkahalong galit at paghihinagpis ang nararamdaman ng pamilya ni Joanna Daniela Dimafelis ng Barangay Ferraris, Sara, Iloilo ang Pinay na pinatay ng kaniyang mga amo sa Kuwait.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, inihayag ni Jojit Dimafelis, kapatid ni Joanna, hinimatay ang kaniyang mga kapatid nang malaman ang resulta ng autopsy examination.

Nabatid na batay sa autopsy, napatay si Dimafelis dahil sa matinding pambubugbog.

Nabalian ng ribs ang Pinay worker, nagtamo ng contusion, trauma sa pelvis at kidney area, nakaranas ng internal bleeding at marami ring sugat sa katawan.

Emosyunal na inihayag ni Mr. Dimafelis na sobrang sakit ang kaniyang naramdaman at hindi matanggap na masahol pa umano sa hayop ang pagpatay sa kaniyang kapatid.

Kung maari lang ayon kay Jojit, siya na rin mismo ang papatay sa mga amo ni Joanna.

Sakaling natuloy ang pagpunta niya sa Kuwait para sunduin ang labi ni Joanna, hihilingin daw ni Mr. Dimafelis sa mga otoridad sa nasabing bansa na payagan siyang iparamdam sa Lebanese at Syrian na amo ng kapatid, ang hirap na dinanas ni Joanna sa kamay ng mga ito.

“Matindi po ‘yung ginawa nila sa kapatid ko. Matindi pa sa hayop ang pinatay nila. Kung puwede sana hilingin ako na lang ang papatay sa tao na ‘yan. Hindi ko matanggap-tanggap, sobrang sakit. Kahit ang mga kapatid ko halos mamatay-matay nang malaman nila ang autopsy na ‘yan,” ani Mr. Dimafelis.

Alas-11:15 bukas ng umaga darating sa Ninoy Aquino International Airpot ang labi ni Joanna at dadalhin ito sa Iloilo alas-5:30 ng madaling araw sa Sabado, February 17, lulan ng PAL flight PR2139.

Source link

Post Comments