Mas nakararaming Pinoy, pipiliin ang career kaysa lovelife ayon sa survey

     2 months ago
14
Leave a Comment
10 SHARE

 

Halos anim sa bawat sampung Pinoy ang mas pipiliin ang karera o trabaho sa halip na pag-ibig.

Ito ang lumalabas na resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS noong huling bahagi ng taong 2017.

Batay sa naturang survey, lumilitaw na nasa 59 porsiyento ng mga Pinoy ang mag pipiliin na ipursige ang kanilang career samantalang 41 porsiyento naman ang nagsabing mas pipiliin nila ang lovelife.

Marami sa mga mas pipiliin ang career kaysa lovelife ay pawang mga single o walang relasyon.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng pagkuha ng sagot ng nasa 1,200 mga respondents sa iba’t bang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Source link

10 SHARE

Post Comments