Matapos ang Winter Olympics, Michael Martinez, iniisip na ang 2019 Sea Games

     7 months ago
28
Leave a Comment
7 SHARE

Nasa isip na ng Filipino figure skater na si Michael Martinez ang 2019 Southeast Asian Games kahit katatapos lamang ng kanyang laban sa 2018 Winter Olympics.

Sa isang panayam, sinabi ni Martinez na magpapahinga lamang siya nang kaunti at hindi pa sigurado sa kanyang mga plano sa hinaharap.

Gayunman anya ay nasa isip niya na ang darating na Sea games.

Kahit hindi siya nakapasok sa top 24 ng Olympics ay wala anya siyang planong sukuan ang kanyang sports.

Nagtapos lamang sa ika-28 pwesto si Martinez sa kanyang laban sa men’s singles skating short program sa Pyeongchang nitong February 9.

Inihayag din ng atleta na nag-iimbita na sila ng foreign coaches upang magkaroon ng mas magandang training at maging mas magaling sakaling lalaban muli sa mga kompetisyon sa labas ng bansa.

Ayon pa kay Martinez, masaya siya na siya ay nagiging inspirasyon ng maraming tao dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang sport.

Source link

7 SHARE

Post Comments