Matinding pag-ulan mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng Luzon ang southwest monsoon o hanging habagat.

Batay sa bagong abiso na inilabas ng PAGASA, nakataas ang orange rainfall warning sa buong Metro Manila, at mga lalawigan ng Bataan, Batangas, at Cavite.

Ibig sabihin, malaki ang banta ng pagbaha sa nasabing mga lugar.

Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa mga probinsya ng Zambales, Pampanga, Bulacan, Laguna, at Rizal, kung saan mayroong posibilidad ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay malkas na pag-ulan sa Nueva Ecija at Quezon na magtatagal sa loob ng tatlong oras.

Source link

0 SHARE

Post Comments