Mayon evacuees sa labas ng 8-km danger zones, maari nang makauwi – OCD

     2 months ago
8
Leave a Comment
3 SHARE

(Update) LEGAZPI CITY – Inirekomenda ng Office of Civil Defense (OCD)-Bicol sa provincial government of Albay ang pagpapabalik sa mga residenteng mula sa 9-kilometers Extended Danger Zone ng nag-aalburotong bulkang Mayon.

Una nang nagsilikas ang mga ito sa banta ng pagdaloy ng lahar bunsod ng malakas na pag-ulan noong nakaraang linggo, habang ang ilan ay lumikas lamang umano dala ng panic sa nakikitang makapal na buga ng abo at daloy ng lava sa bulkan.

Ayon kay OCD-Bicol Dir. Claudio Yucot, bahagi ito ng hakbang ng ahensya sa pag-decongest sa mga siksikang evacuation centers kung saan inaasahang agad maipapadala ang abiso ng decampment sa mga concerned cities at municipalities.

Giit pa ni Yucot na nakabatay lamang ang kanilang desisyon sa rekomendasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hanggang walong kilometro pa lamang ang itinatakdang danger zones sa kasalukuyang Alert Level 4 status.

Tiniyak naman ng opisyal na sakaling magkaroon ng pagtaas sa ipinapakitang aktibidad ng bulkan at batay sa irerekomenda ng PHIVOLCS, ang ahensya mismo ang susundo sa mga ito upang ibalik sa mga designated evacuation centers.

Sa kasalukuyan, inaasahang bababa pa ang bilang ng evacuee kaugnay ng naturang desisyon na batay sa tala ng OCD ay nasa mahigit 83,000 individuals na.

Source link

Post Comments